dakilang pangarap bestfriends paghanga tagalog poetry
poetry tagalog poetry

Dakilang Pangarap

(Tagalog poetry)

Sa tuwina’y ikay aking mapagmasdan
Ang marubdub kong puso’y kinakabahan
Waring nagsasaad ng di matukoy-tukoy na dahilan
Samyo ng di tiyak na kinabukasan
Pagka’t ikaw kaya’y maging akin lamang?

Sa bawat paghampas
Ng malamig na hangin sa aking nanlalabot na laman
Tila nagsasaad na ako’y susuko na lamang
Ngunit sa lahat ng unos
Sinisikap kong maging matatag

Na para bang wala ng bukas
Mga pangako mo’y siyang tunay na agimat
Sa tuwina’y waring nagbibigay lakas
Sa tulong ng Bathala’y pagmamahalan ay wagas

Kung sumapit man ang dapit-hapon ng ating buhay
Hiling ko sana’y magkasama tayo sa tagumpay
Aabutin ang mga pangarap
hawak-kamay habang buhay

***

About this Poem

I wrote this tagalog poetry (tula) for a very special person. I met this person when I was in 1st year college. Now we still have strong bond of friendship. It’s been 6 years since I wrote this but our memories are still fresh in my system. I miss those moments so much.

Receive free life-tips and motivations for free!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Speak out! Share your views and spread good vibes...