filipino poetry islamic poetry submitted tagalog poetry

ISLAMIC POETRY: O Aking Muslimah

O’ muslimah ikaw ay natatangi
Sa kagandaha ng mukha man o ugali
Kagandahang taglay na iyong ikinukubli
Gamit ang abaya’t belo bilang palamutiKung sa iba ika’y katawa-tawa
Sa pananamit mo na nakatago ang awrah
Hindi mo ito ipinag-aalala
Dahil alam mong hindi ikaw ang kawawa kundi sila

Hindi man madali ang iyong ginagawa
Lalo na’t takpan mo ang iyong mukha
Mata lang ang iyong ipinapakita
Ngunit hindi mo ito alintana

Di mo rin alintana
Ang puna ng iba
Na ikaw daw ay parang kinukulong
Sa sarili mong gawa
Sapagkat alam mo kung ano ang tama

Qur’an at hadith ng Rasul ang iyong basihan
At hindi mo pinakikinggan
Ang tawag ng makamodernong paraan
Na ikinasisiya ng iilan

Iyong pinaninindigan
Jannatul Firdaus ang gusto mong puntahan
Sa iba man ikaw ay naiiba
Talagang ikaw ay kakaiba

Sa eman at taqwa palang talbog na sila
Ang pagsisikap na iyong binibigay
Sa Allah mo lamang inaalay
O muslimah ikaw ay walang kapantay

Ang munting tula kong ito’y gusto ko sayo’y iaalay
Bilang pagsaludo kung paano mo isinasabuhay
Ang Islam na relihiyon na ginawa mong patnubay
Sa lahat ng bagay hanggang sa huling hininga ng iyong buhay

La ilaha ilallah Muhammadur Rasulallah
Ang iyong huling sambit
Na sa ano mang kayamanan sa mundo’y
hinding hindi mo ipagpapalit

****

About the Poem

This poem “O Aking Muslimah” was written by Aisheen Flores Ayuban from the city of Butuan, Philippines. Aisheen is a devoted Islam convert who enjoys writing Islamic inspired poetry. Online Creatives will be featuring more of her works in the next posts. Stay tuned, everyone!

You may visit our Facebook page to get the latest creative pieces, here.

*Photo grabbed from Flipboard

Receive free life-tips and motivations for free!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Speak out! Share your views and spread good vibes...