filipino poetry islamic poetry submitted tagalog poetry

ISLAMIC POETRY: Kabataang Muslim at Muslimah

Mundo ngayo’y nagbago na
Makamodernong buhay natamo
Dahil na rin sa katalinohan ng tao
Na nagdulot ng ganitong pagbabago

Kabataan ngayo’y iba ang trato
Sa makamodernong mundo’y naluluho
Kabataang Muslim at Muslimah
na pansin ko ngayo’y nakikiuso na
Sa ibang gawain kayoy nagpapaloko

Makamundong gawain at ‘di Islamiko sinusunod niyo
Tanong ko, “Mga magulang na Muslim nasaan ba kayo?
Pansin ko lang naman
‘Pag tanungin ka Muslim ang agad ang madidinggan
Pero sa oras ng sallah wala ka naman

Sa facebook ika’y nandyan
Mga salita’y madali mong binibitawan
Pero sobrang hirap para sayo na panindigan
Oh sa ibang Muslimang kabataan
Ikaw naman aking pagsasabihan ng magising ka sa katotohanan

Sa suot na pedal, tshirt at hijab dito kaba nasisiyahan?
Kaysa sa abaya na dapat mong gampanan?
Makeup sa mukha ako’y napapaurong
Upang gumanda lang sa paningin ng mga kalalakihan
Kesa sa paningin ng May-lalang

Sa pag aaral ng Qur’an inaayawan
Pero nando’n sa sawaya’t kantahan
Post sa facebook na parang wala lang
Basta’t ganun nalang walang pakialamanan

Hindi naman sa pamumuna itong aking tula
Na para bagang wala na akong pagkakasala
Minumulat ko lang kayo, tayo – ako
Na dapat gawin natin ang tama
Na dapat natin isabuhay at huwag sayangin
Ang sakripisyo ng Propeta Muhammad (s.a.w)
Upang tayo’y maligtas sa nag-aapoy na parusa

Sana’y naintindihan mo
Kabataang Muslim at Muslimah!

****

About the Poem

This poem “Kabataang Muslim at Muslimah” was submittedΒ by Aisheen Flores Ayuban from the city of Butuan, Philippines. Aisheen is a devoted Islam convert who enjoys writing Islamic inspired poetry.

Receive free life-tips and motivations for free!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Speak out! Share your views and spread good vibes...