filipino poetry tagalog poetry tula

TULA: Paghanga

Bakit? Bakit yan ang laging nakaukit
Sa puso Kong umiibig?
Bakit masyado kang manhid?
Di mo ba batid na akoy iyong napapaibig,—
sa tuwing mata mo’y nasa akin nakatitig?

Di man ako tulad ng isang bituing maningning
Ngunit mata ko nama’y nag niningning
‘Pag ika’y nakikitang paparating;
Ano ba itong nangyayari sa akin—
Bakit gusto ko’y ika’y palaging isipin?

Ngayon ko lang napansin na ako pala’y in love na rin,
Ngunit ayaw kong sundin
Ang pinipintig ng damdamin,
Sapagkat alam ko kung saan ‘to parating—
Ang emosyong pinipilit pang labanan
Dahil mas mabuting utak ang paiiralin
Kaysa ligalig na damdamin.

***

About this Poetry

This poem I entitled “Paghanga” was written a few years ago. Do you want me to write “tagalog poetry”? Let me know in a comment below. Read more tagalog poetry or mga tula here: Maga Tulang Tagalog.

Receive free life-tips and motivations for free!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Speak out! Share your views and spread good vibes...