filipino poetry Inspirational poetry tagalog poetry

OFW POETRY: Para Sa’yo, Kabayan Ko!

(OFW poetry)

Alam kong mahirap para sa’yo
Ngunit tiniis mo ang hirap at pagud
sa bawat minuto, bawat oras
Bawat araw, bawat taong
Nalalayo sa pamilya mo

Alam kong mahirap para sa’yo
Ang mga araw na nagdaan
Na tila ba ang tadhana
ay wala ng pakialam para sa’yo
Na tila ba bumaliktad na ang mundo

Hindi ‘yan batid ng mga mahal mo
Dahil ang iniisip nila ay ang padala mo
Dahil ang alam nila ay masaya ka
Dahil ang akala nila sa ibang bansa ay may ginhawa
Dahil ang nasa puso nila ikaw ay milyonaryo o milyonarya

Kabayan gumising ka, bumangon ka
Kailangan mong maging masaya
Dahil dito sa ibang bansa ika’y nag-iisa
Alam mo bang sa Pinas ang dami nila
Lahat magawa nila kung anong gusto nila

Hindi tayo bato, may puso rin tayo
Hindi tayo tanga, kailangan rin natin ng pahinga
Hindi ka si Superman na lahat ng bagay ay kaya mong gampanan
Alalahanin mo, Kabayan, minsan lang ang buhay sa mundo
Kabayan, batid mo ba ito?

Minsan, gusto mo ng magpahinga
Magpakalayu-layo, maghahanap ng ligaya
Karapatan mo ito, gawin mo huwag ka lang magpaka-gago
Sarili mo unahin mo, mahalin mo ito
Dahil ang buhay natin minsan lang sa mundong ito.

Kabayan, ito’y para sa’yo.

***

About this Poetry

This poetry entitled “Para Sa’yo, Kabayan Ko!” is a Filipino (Tagalog) contemporary poetry I wrote, is a tribute for all Overseas Filipino Workers (OFWs) who sacrifice themselves abroad in the pursuit of family’s better future in the Philippines.

Share this beautiful poem to inspire other OFWs and to give lesson for those family members who are in our bayan.

*Photo Illustration: Lee photo entries / Justyn

Receive free life-tips and motivations for free!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Speak out! Share your views and spread good vibes...