filipino poetry love poetry tagalog poetry

Walang Katapusan

Naaalala ko pa
No’ng una tayong nagkita
Para kang isang magandang diwata
Hinahanap-hanap ka
Ng aking mga mata

Simula nong tayo’y magkasama
Ang buhay ko ay puno ng sigla
Para kang Rebisco
‘Ang sarap ng feeling ko!’
Lagi kong dinarasal
Sa Poong Maykapal
Na sana’y ‘wag na matapos ito

Oh sinta ko!
‘Wag mo akong iiwan
Sapagkat sa puso ko’y
Ikaw ang nilalaman

Hinding-hindi kita
Ipagpapalit nimo man
Dahil ang puso ko
Ay sayo lamang nakalaan
Simula noong nagmahal ako
Ng gaya mo
Ang puso’t isip ko ay
Nasa sayo
Pero kahit mayroon kang iba
Minahal pa rin kita ng sobraGusto kitang makasama ngunit
Wala ka
‘Di ko alam kung bakit
Minahal kita ng sobra
Ngunit masaya ako
Kapag ikaw na ang kasama

Para kang bituin
Sa kalangitan na gusto kong mahawakan
Pinapasaya mo ako
Sa oras ng aking kalungkutan
Kahit ilang pasko

Ang hihintayin ko
Bumalik ka lng sa piling ko
Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan
Kung ba’t ako masayaNgunit sa kabila ng lahat
Ako’y iyong kinalimutan
Para akong tanga
Nagmamahal pa rin
Kahit nasasaktan

Sapagkat nagbago ang lahat
Dahil sa iyong pinakita
Di na ako nag-aalangan
Na ibuhos ng buo
Ang batid ng aking nararamdaman

Tanging hiling ko’y
Sana, ‘di tayo humantong sa katapusan
Dahil ang pinapangarap ko
Ay walang hanggang
Pagmamahalan

****

About the Poem

This poem “Walang Katapusan” is a tagalog poem inspired by love. A love that transpires emotional desire to a holistic note. Inspired by the wonderful love story of Richmond and Michelle.

Receive free life-tips and motivations for free!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Speak out! Share your views and spread good vibes...