filipino poetry islamic poetry submitted tagalog poetry

ISLAMIC POETRY: Shabu

Kilala sa pangalan, sakit sa lipunan
Sa mga tao ito’y ginawang libangan
Umano’y pampalakas ng katawa’t isipan
At problema raw ay tiyak malilimutan
Ang shabu’ng gamit na droga ay ginawang bitamina
Salat man o mayaman ito’y kinahuhumalingan
Kinabukasan napapabayaan
bahalang salita na lang ang nalalaman

Hindi mo ba maintindihan
Buhay moy saglit lang
Tapos sasayangin mo lang
Ano ang problema mo kaibigan?

Hangga’t buhay ka problema talaga’y nariyan
Kahit anong gawin mo hindi mo ‘to matatakasan
Sa paggamit ng shabu ikaw ay nabubuang, kalusugan mo’y parang wala na lang
Isipan mo ay umiikot nalang, nawawala na sa katinuan

Sa iilan, droga’y sagot sa pangangailangan
Ginawang negosyo upang kapretso ay matustusan
Subhanallah kaibigan ba’t ka ganyan?
Sariling interest kinakain ang buo mong katawan

Mundo’y gusto mong angkinin
Modernong mga bagay gusto mong bilhin
Droga ang sagot sa matagal mong dalangin
Madaling pera agad gusto mo ma angkin

Hoy, gumising ka!
Di kaba napa-praning?
Baka bukas paggising mo wala ka na
mental hospital ang na iyong punta
Dahil akala mo ang pera ay nagsasalita

Resulta ng adiksyon, kung sinu-sino hinahamon
Patalim agad sa inosenting tao nakabaon
Sa selda ngayon
Ika’y gustong umahon

Kabataan ngayon nalilinlang na
Droga ngayon nagbabaha na
Kaya pangulo naaalarma
Dahil baka sa sunod na henerasyon
Bansa’y wala na

Dahil sa sobrang kahirapan na natatamasa
Mga magulang, hiling ko lang sana
Anak ay pangaralan ng may pagmamahal
Bigyan ng maigting na gabay at disiplina

Ang adiksyon sa drogay’y walang pinipili
Edukado man o hindi
Kaya kaibigan magbago kana wag lang sandali
Sapagkat laging tandaan ang buhay ay hindi madali

Kabilang buhay dapat mong paghandaan dahil do’n ang ating hantungan
Kung ang buhay di mo maintindihan
Kung ako sayo’y Islam iyong pag aralan
Batid ko’y doon mo matatagpuan ang tagumpay at kaginhawaan

****

About the Poem

This poem “Shabu” was written by Aisheen Flores Ayuban from the city of Butuan, Philippines. Aisheen is a devoted Islam convert who enjoys writing Islamic inspired poetry. Online Creatives will be featuring more of her works in the next posts. Stay tuned, everyone!

You may visit our Facebook page to get the latest creative pieces, here.

Receive free life-tips and motivations for free!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Drop a comment below! Share your thoughts...